Saturday, April 9, 2022

Ping: Buhayin ang MSMEs Para Matugunan ang Kawalan ng Trabaho

Abril 8, 2022 - Kasama sa dapat na maging prayoridad sa pagtugon sa kawalan ng trabaho ng ilan sa ating kababayan ang pagbuhay sa ating micro-, small and medium enterprises (MSMEs), ayon kay independent presidential candidate Senador Ping Lacson.


Para kay Lacson, hindi pa nakakabangon ang MSMEs mula sa mga epekto ng lockdown bunsod ng pandemya, may panibago na naman silang kinakaharap na suliranin sa pagtaas ng presyo ng langis.


"Buhayin ang MSME, yan ang biggest source natin of employment. Yan ang unang bumagsak so kailangang buhayin," ani Lacson sa kanyang panayam sa Bogo, Cebu nitong Huwebes.


Aniya, tinatayang 99.5 porsyento ng mga negosyo sa bansa ay binubuo ng MSMEs at 63.2 porsyento ng ating kabuuang lakas paggawa ay galing sa maliliit na negosyo.


Base sa tala ng Philippine Statistics Authority kamakailan, umaabot sa 6.4 porsyento ang unemployment rate sa ating bansa. Ibig sabihin nito, halos 3.13 milyong Pinoy ang walang trabaho noong Pebrero 2022.


Sakaling mahalal bilang Pangulo ng bansa, siniguro ni Lacson na mas padadaliin niya ang proseso sa pagkuha ng tulong pinansyal para sa MSMEs. May mekanismo na aniya sila ni Senate President Tito Sotto, ang kanyang vice presidential bet, para ipatupad ito.


Dagdag pa ni Lacson, may halos 20 programa ang mga ahensya ng gobyerno para sa microfinancing at credit facilities pero hindi ito nakakaabot sa kaalaman ng karamihan sa MSMEs.


"Iniisip namin ni SP, i-streamline natin," saad ni Lacson.


Siniguro rin ng presidential aspirant na ang kanyang administrasyon ay magpapatupad ng mga programa para sa skills matching kung saan ang magiging basehan ng pagkakaroon ng trabaho ay ang skills o kasanayan ng isang indibidwal at hindi ang kanyang edad o "disability."


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post