Abril 20, 2022 - Patuloy na nagpahayag ng suporta sa kandidatura nina independent presidential aspirant Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson at ka-tandem nito na si Senate President Tito Sotto ang mga miyembro ng Partido Reporma sa Aklan at Antique sa kabila ng pagbitiw ni Lacson sa partido bilang Chairman noong nakaraang Marso.
Nakipagpulong si Lacson kasama ang mga miyembro ng dati niyang partido nitong Martes ng gabi matapos ang ginanap na town hall session sa Kalibo, Aklan. Ayon sa independent presidential candidate, ang mga miyembro ng Reporma ang nag-organisa ng naturang meeting.
"Kaya kami pumunta ng Aklan and Caluya, meron kaming candidates doon, nag-request sila kung pwedeng puntahan ko sila. Ang Reporma (members), they continue to support me. Sabi nila kaya kami nag-Reporma because of you," ani Lacson.
Para sa senador, malaking bagay ang suporta na ibinigay sa kanila at mas pinaigting pa nito ang naisin nila na tapusin hanggang dulo ang pangangampanya.
"No retreat. No surrender. No withdrawal!" giit ni Lacson.
Noong Marso, inanunsyo ni Lacson ang kanyang pagbibitiw sa Reporma matapos magpahayag ng suporta sa ibang kandidato ang presidente ng partido na si Rep. Pantaleon Alvarez. Sa kabila nito, marami pa rin sa mga miyembro ng Reporma ang nananatiling tapat at suportado ang kandidatura ni Lacson.
Nitong Martes, nangampanya si Lacson sa Estancia (Iloilo) at Kalibo (Aklan) habang si Sotto ay bumisita naman sa Dumaguete (Negros Oriental). Inaasahan na magkasamang bibisitahin ng magka-tandem ang Caluya Island sa Antique at Sta. Barbara, Iloilo nitong Miyerkules.
Mainit naman ang naging pagtanggap ng mga residente ng Estancia, Iloilo kay Lacson. Nauna siyang nagbigay ng courtesy call kay Estancia Mayor Melina Requinto. Bagama't may ibang kandidato nang sinusuportahan si Requinto, tinawag niya si Lacson na "President" matapos marinig ang mga plano nito patungkol sa Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) program.
"She was even egging the barangay chairmen who were present and majority," kwento ni Lacson.
Personal namang pinasalamatan ni Lacson ang kanyang supporters at volunteers na tumulong sa mga nasalanta ng Tropical Cyclone Agaton
Kasama rin sa natalakay ni Lacson ang kahalagahan ng BRAVE program na nag gagarantiya ng sapat na pondo para sa local government units pababa sa barangay level na gagamitin para sa kanilang development projects.
"Yan ang essence ng BRAVE, kayo ang nakakaalam ng needs and priorities," ani Lacson.
*****
0 comments:
Post a Comment