Saturday, April 9, 2022

Lacson-Sotto, Patuloy na Bibigyang Kaalaman ang mga Botante sa Kanilang Kampanya

Abril 9, 2022 - Patuloy na magiging pokus ng tambalang Lacson-Sotto ang pagbibigay kaalaman sa mga botante sa kasagsagan ng kanilang kampanya.


Ayon kay Senador Ping Lacson, patuloy ang kanilang pangungumbinsi sa mga botante na huwag ibase sa survey ang kanilang desisyon sa pagboto at sa halip ay bumoto ayon sa kanilang paniniwala kung sino ang pinaka-kwalipikado na maging susunod na mga lider ng bansa.


"We will continue to educate and enlighten our electorate. Qualification ang tingnan, hindi popularity. Sino ba may kakayahan, sino ang may experience, sino ang may competence and qualification, yan ang piliin nila. Huwag nila isipin boboto nila baka masayang ang boto," ani Lacson sa Pandesal Forum sa Quezon City.


Aniya, matagal nang nagdurusa ang mga Pilipino dahil sa paghalal sa maling lider at panahon na na magkaroon ng gobyerno na seryosong tutulong sa kanila.


"We deserve nothing less. Ang Filipino for the longest time we have suffered. Dapat bigyan ng break. We are offering ourselves with all our competence, qualification, and experience para makabuti ang buhay ng ating kababayan," saad ni Lacson.


Ayon naman kay Sotto, kailangang magkaroon ng panukalang batas na magreregulate sa mga survey para hindi nito makondisyon ang isip ng mga botante.


Hindi aniya ito garantiya na ang nangungunahang kandidato sa survey ang may sapat na kwalipikasyon para mamuno sa bansa.


"Sa atin, konsensya, kaisipan ng botante. Kahit mag-isa ka bumoto sa taong yan… malinis ang konsensya at kalooban mo," ani Sotto.


Samantala, sinabi naman ng tandem na hindi sila nauubusan ng lakas sa pangangampanya. Para sa kanila, sapat na ang adrenaline, vitamins at dasal para magpatuloy sa laban.


"Pag malinis ang konsensya mo, magaan ang buhay. Pero kung masama ang plano mo, iba ang purpose mo, palagay ko maski ang taong walang konsensya babagabagin ng konsensya sa gabi," saad ng independent presidential aspirant.


*********



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Blog Archive

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post