Saturday, July 31, 2021
- July 31, 2021
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
Friday, July 30, 2021
Thursday, July 29, 2021
- July 29, 2021
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
Hulyo 30, 2021
Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson sa publiko na ipapasa ng Senado sa takdang panahon ang pambansang gastusin para sa susunod na taon, kahit pa masabay ito sa kanilang paghahanda para sa pangkalahatang halalan sa 2022.
Kasunod ng naunang deklarasyon ng pagsabak sa 2022 presidential elections, inihayag ni Lacson na gagawin niya at maging ng kanyang mga kasamahan sa Senado ang kanilang tungkulin na busisiin ang pambansang badyet at ito ay aprubahan bago mag-break ang sesyon sa Disyembre.
"The passage of the national budget bill will not be delayed if we can help it. While we are aware of the Oct. 1-8 schedule for filing of certificates of candidacy, we can assure our people that the preparations for the 2022 elections will not disrupt our efforts to scrutinize and pass the national budget. Hangga't nasa loob kami ng Senado at ginagampanan ang aming mga tungkulin bilang senador, we will be legislators first and foremost," paliwanag ni Lacson.
Sa nakikita ni Lacson, malabong magkaroon ng reenacted budget.
"Senate President Vicente C. Sotto III and I are hopeful there will be no reenacted budget, and that the budget bill will be passed before the December break," dagdag ng mambabatas.
Una nang inaprubahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang P5.024 trilyon na hangganan ng paggastos para sa susunod na taon, sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program na mas mataas ng 11.5 porsiyento kumpara sa kasalukuyang taon.
Pero ayon kay Lacson, ang pagtiyak ng pagpasa sa pambansang gastusin sa itinakdang panahon ay hindi nangangahulugan na hindi na niya ito malalimang pag-aaralan dahil tuloy pa rin ang nakagawian niyang pagtatanong sa mga responsableng opisyal para masiguradong may pananagutan ang mga ito.
Kasama sa mga itatanong ng mambabatas kahit pa sa pamamagitan ng executive session kung kinakailangan, ay kung bakit mas malaki kumpara sa budget deficit ang mga halagang inuutang ng ating pamahalaan.
"What is unacceptable is that projects that did not go through planning and vetting are inserted into the budget bill, and there is no way for the implementing agency to determine if the project will not be substandard. That’s what we will fight for - proper accountability," banggit ni Lacson sa Kapihan sa Manila Bay.
Bubusisiin din ng mambabatas ang gastos ng gobyerno sa pagbili ng COVID-19 vaccines upang matiyak na nagagamit nang tama ang limitadong pondo at hindi masayang ang bahagi nito.
Dapat din aniyang paglaanan ng mas malaking alokasyon ang research and development dahil bagama’t kailangan ito para makabuo ng solusyon sa mga problemang kagaya ng pandemya, nasa 0.4 porsiyento lamang ng badyet ang naitatabi para rito nitong mga nakalipas na taon.
"Our homegrown scientists go abroad because they do not get enough support from the government," malungkot na pahayag ng mambabatas.
Muli ring iginiit ni Lacson ang kanyang panawagan sa zero-budgeting approach na katulad sa ginagawa sa pagpapatakbo ng mga pribadong korporasyon.
Inulit din ng mambabatas ang kanyang paghahangad na pagkalooban ng mas malaking pondo ang mga lokal na pamahalaan, kasabay ng responsibilidad na gamitin sa wastong paraan ang mga ito sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran.
Ang pagpapalakas sa mga lokal na pamahalaan ay sentro ng panukalang Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) ng mambabatas.
"I have not been so determined than now to see it through," ayon kay Lacson.
- July 29, 2021
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
Hulyo 29, 2021
Ping, Hinirang na Bagong Chairman ng Partido Reporma
Ganap nang sumapi at hinirang na chairman ng Partido para sa Demokratikong Reporma (Partido Reporma) si Senador Panfilo Lacson nitong Huwebes.
Nanumpa si Lacson sa harap ni dating Defense Secretary Renato de Villa na nagtatag ng partido, kasabay ng panunumpa ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez bilang presidente.
“My advocacies are well-aligned with those of Reporma like people’s sovereignty and democracy, decentralization and devolution of powers, social justice responsibility, strong economic foundation, environmental awareness, voters’ education, among others,” pahayag ni Lacson.
Ang Reporma ay binuo ni Sec. de Villa noong 1997. Ang pangunahing layunin nito ay ipagpatuloy at pagbutihin pa ang mga pagbabagong nagawa ng Ramos administration gaya ng pagbuwag sa monopolyo, pagpapahusay sa serbisyo publiko, pag-angat ng ekonomiya at kapakinabangan ng lahat ng Pinoy.
Naging "dormant" ang partido matapos ang eleksyon noong 2004 hanggang sa ito ay muling pasiglahin ng dating Speaker Alvarez noong 2020.
Sa kabilang dako, isiniwalat ni Lacson na ipinaalam sa kanya ni Senate President Vicente Sotto III na bukas ang mga opisyal ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na kinaaniban nito para sa isang dayalogo matapos na sila ay makapaghain ng certficates of candidacy sa Oktubre.
Sinabi ni Lacson na siya at si Sotto ay bukas sa mga alyansa sa iba’t ibang partido pulitikal na nakahandang makiisa sa hangarin nilang ayusin ang bansa at iangat ang pamumuhay ng mga mamamayan.
"We are open to alliances with other political parties who may be willing to work with us for change for the betterment of our country and people," ani Lacson.
Wednesday, July 28, 2021
Monday, July 26, 2021
- July 26, 2021
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
Sen Ping Lacson: Hidilyn Diaz, Dapat Nang Maging Commissioned Officer ng AFP
Dapat maging ganap na commissioned officer ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Tokyo Olympics Gold medalist Hidilyn Diaz dahil sa pambihirang karangalan na inialay ng atleta sa bansa.
Ito ang mungkahi ni Senador Panfilo Lacson sa liderato ng Philippine Air Force (PAF), kung papayagan ng batas at regulasyon ng AFP.
"As chairman of the Senate Committee on National Defense and Security, I would strongly recommend to the AFP leadership that she be given a rank as a commissioned officer of the PAF. It's the least the service can give her," banggit ni Lacson sa panayam sa CNN Philippines.
“Such a commission – either as a reserve or regular officer – is not just in recognition of her extraordinary feat, but also in recognition of her great potential to provide a good example to her fellow soldiers both as an athlete and as a leader,” dagdag ng mambabatas.
Ani Lacson, "very deserving" si Diaz matapos masungkit ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics. "This is an even more extraordinary accomplishment, a first in our history," banggit pa ng mambabatas.
Binigyan din aniya ni Diaz ng dahilan ang 110 milyong Pilipino na magdiwang sa harap na rin ng matitinding pinagdadaanan ng bansa. "She makes us Filipinos very, very proud," banggit ni Lacson.
Ayon pa kay Lacson, tumatak din sa mga Pinoy ang pagtugtog ng "Lupang Hinirang" habang sumasaludo ang gold medalist na ayon pa sa mambabatas ay "the most touching moment that will be relived in our memories for a long, long time."
Samantala, nasa Malacaรฑang na rin umano kung maglalabas pa ito ng paghingi ng dispensa kay Diaz at sa sports personality na si Gretchen Ho matapos na idawit sa "matrix" ni alias “Bikoy” noong 2019.
"Apologies cannot be demanded nor urged. Even if the apologies are volunteered, they are worthless if not offered with sincerity. That said, it is only Malacaรฑang who can on their own decide to offer that public apology to Hidilyn Diaz as well as to sports enthusiast and writer Gretchen Ho for wrongfully including them in a matrix authored by ‘Bikoy,'” pahabol pa ni Lacson.
- July 26, 2021
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
Saturday, July 24, 2021
- July 24, 2021
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments