Thursday, July 29, 2021

 Hulyo 29, 2021

Ping, Hinirang na Bagong Chairman ng Partido Reporma


    Ganap nang sumapi at hinirang na chairman ng Partido para sa Demokratikong Reporma (Partido Reporma) si Senador Panfilo Lacson nitong Huwebes.

    Nanumpa si Lacson sa harap ni dating Defense Secretary Renato de Villa na nagtatag ng partido, kasabay ng panunumpa ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez bilang presidente.

    “My advocacies are well-aligned with those of Reporma like people’s sovereignty and democracy, decentralization and devolution of powers, social justice responsibility, strong economic foundation, environmental awareness, voters’ education, among others,” pahayag ni Lacson.

    Ang Reporma ay binuo ni Sec. de Villa noong 1997. Ang pangunahing layunin nito ay ipagpatuloy at pagbutihin pa ang mga pagbabagong nagawa ng Ramos administration gaya ng pagbuwag sa monopolyo, pagpapahusay sa serbisyo publiko, pag-angat ng ekonomiya at kapakinabangan ng lahat ng Pinoy.

    Naging "dormant" ang partido matapos ang eleksyon noong 2004 hanggang sa ito ay muling pasiglahin ng dating Speaker Alvarez noong 2020.

    Sa kabilang dako, isiniwalat ni Lacson na ipinaalam sa kanya ni Senate President Vicente Sotto III na bukas ang mga opisyal ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na kinaaniban nito para sa isang dayalogo matapos na sila ay makapaghain ng certficates of candidacy sa Oktubre.

    Sinabi ni Lacson na siya at si Sotto ay bukas sa mga alyansa sa iba’t ibang partido pulitikal na nakahandang makiisa sa hangarin nilang ayusin ang bansa at iangat ang pamumuhay ng mga mamamayan.

    "We are open to alliances with other political parties who may be willing to work with us for change for the betterment of our country and people," ani Lacson.

0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post