Saturday, July 24, 2021

 


Hulyo 25,2021

    Ang mga katagang ito ang dadalhin ng tambalang Ping Lacson-Tito Sotto sa hangarin nilang maibalik ang tiwala ng sambayanan sa pamahalaan.

    "I will not fail you. I will not fail the Filipino people. We will not fail you. This is our last hurrah in public service, there is no room for selfish interests or personal motives," seryosong pananalita ni Lacson sa panayam sa kanya ng DWIZ radio nitong Sabado.

    "We have no other agenda. Considering our age and track record in public service, we have something to offer the Filipino people," dagdag ni Lacson.

    Sinabi ni Lacson - na nauna nang nagpahayag ng pagsabak sa pampanguluhang halalan sa 2022 - na hindi maliligaw ang sambayanan sa pagtahak sa landas para maibalik ang tiwala sa pamahalaan gamit bilang gabay ang sarili niyang panuntunan na “What is right must be kept right; what is wrong must be set right.”

    Idiniin ng mambabatas ang pagpapatupad ng disiplinang pananalapi sa pamahalaan sa pamamagitan ng paggaya ng sistemang ginagamit ng mga nasa pribadong sektor na matalinong paglaan ng limitadong pondo at pag-iwas na magamit ang mga ito sa mga wala sa lugar na gastusin.

    Ayon kay Lacson sa meeting ng Rotary Club of Alabang Madrigal Business Park, gumagapang ang bansa sa pagbangon buhat sa pagkalugmok na dulot ng pandemya, kung saan pumapangalawa ito sa pinakakulelat sa 53 ekonomiya kung ang pagbabatayan ay katatagan laban sa COVID-19.

    Sa kabilang dako, inilahad ng senador ang isang surbey ng Social Weather Stations na nagpapakitang 48 porsiyento ng pamilyang Filipino ang nagsasabing sila ay mahirap; nasa  4.2 milyon na Pinoy ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan, habang umabot naman sa 4.14 milyon ang nakatambay na lamang o walang trabaho nitong April 2021.

    Ayon pa kay Lacson, kailangang hanapan ng solusyon ng susunod na administrayon ang mga hamon na dulot ng pandemya at supilin ang malala nang graft and corruption.

    "The top priority in these trying times is the pandemic. There are things to be attended to with urgency. For example, we have not been proactive in responding to the pandemic that hit us way back in January 2020," banggit ng mambabatas.

    Idinagdag din niya na kailangang maging maagap ang gobyerno sa pagharap sa pandemya at mga epekto nito, at matuto na sa mga nangyari noong 2020 matapos na payagang makapasok sa bansa ang COVID-19 bunga ng kawalan ng matinong contact tracing at kabiguan na pagbawalan ang pagpasok ng mga dayuhan mula sa Mainland China.

    Isa rin aniya sa dapat pang bigyan ng maagap na atensiyon ay ang graft and corruption sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga lider ng katapatan at tamang asal upang ang mga ito ay pamarisan katulad lamang ng nakagawian ng mambabatas.

    Noong pamunuan niya ang Philippine National Police noong 1999 hanggang 2001, nalutas ni Lacson ang problema sa kawalang-disiplina ng maraming pulis na nagpabago sa imahe ng ahensiya: nawala ang kotong cops, nawala ang kickback sa pagbili ng kagamitan at mga serbisyo bunga na rin ng mahigpit na pagpapairal ng "no-take policy" mula sa mga pinuno hanggang sa ibaba.

    "After I got elected as a senator of the Republic, whenever I am confronted with a similar question about the biggest problem of government, my response has not changed - it is government, bad government. And, the solution lies in the face of the problem itself - it is called good government," pagbabalik-tanaw ni Lacson.

    "Unless government officials see people at the top practicing what they preach, any effort to fight graft and corruption will not succeed," pahabol ni Lacson.


0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post