Ping: Maagap na Pamumuno, Kooperasyon Kailangan para Mapigilan ang Pagdagsa Muli ng COVID
January 2, 2022-Maagap na pamumuno, kooperasyon mula sa publiko at pagtugon base sa siyensya. Ito ang tatlong mahahalagang bagay na pipigil sa pagdagsa muli ng mga bagong kaso ng Covid na banta sa ating kalusugan at pagbangon ng ekonomiya, ayon kay Senador Ping Lacson.
Pinaalalahanan ni Lacson ang otoridad at ang publiko na makipagtulungan sa siyensya para mapigilan ang pagdating ng bagong wave ng Covid infections sa bansa matapos itaas ng
Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang alert level sa Metro Manila sa “3” kasunod ng pagdami muli ng kaso ng Covid.
Nitong Linggo, binigyang halimbawa ni Lacson ang ginawang hakbang ni Cavite Gov. Jonvic Remulla na i-reactivate ang provincial Center for Disease Control, at ang pagkokonsulta sa mga mayor hinggil sa pagtataas ng alert level bilang tugon sa pagdami ng Covid cases.
"Cavite Governor Jonvic Remulla leads the way. He is reactivating the provincial Center for Disease Control and consulting the mayors to upgrade the alert level. An upsurge from 5 to 100 CoViD cases per day needs proactive leadership and action. He has both," Lacson, a proud CaviteΓ±o, ani Lacson sa kanyang Twitter account.
Binigyang diin din ni Lacson na bagama’t kailangang sundin ng otoridad ang mga datos bilang parte ng kanilang hakbang sa pagtugon sa pandemya, kailangan din gawin ng publiko ang kanilang responsibilidad na gawin ang basic health protocols.
"Just like that, we’re back to 30% indoor and 50% outdoor. Cooperation with science is key," ani Lacson.
Nauna nang nanawagan si Lacson sa public health at law enforcement authorities na kasuhan ang mga indibidwal na lumalabag sa mandatory quarantine protocols katulad ng isang babae na naging viral kamakailan dahil sa pagtakas mula sa kanyang quarantine para dumalo sa isang party.
Kasalukuyang tumatakbo si Lacson sa pagka-Pangulo sa ilalim ng Partido Reporma.
Dagdag ni Lacson, kailangang magkaroon ng hakbang para maiwasan ang ganitong paglabag sa protocol na posibleng makahawa sa mas nakararaming tao.
"Just when we thought we were ready to move on and not worry about CoViD, here we are again, bothered by impending health and economic woes, when we know there are hardly any trade-offs between the two. Among others, that girl who skipped quarantine and partied must be prosecuted," saad ni Lacson..
Nilinaw ni Lacson na ang pagsasaayos ng healthcare system ng bansa para matugunan ang COVID-19 at lahat ng epekto nito ay nananatili sa kanyang prayoridad sakaling siya ay palarin na mahalal sa May 2022.
Kabilang sa plataporma ng senador ang magtalaga ng future-proof na economic strategies para matugunan ang nasabing problema sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa publiko hinggil sa ligtas at epektibong pagpapabakuna, pagkakaroon ng libreng mass diagnostic testing at pag-aalis sa mga lockdowns at iba pang solusyon na naka-angkla sa mga datos.
*********
0 comments:
Post a Comment