Thursday, May 5, 2022

Ping sa Philhealth: Ipagpaliban Muna Ang Pagtaas ng Premium

Mayo 6, 2022 - Nanawagan si independent presidential aspirant Sen. Ping Lacson sa Philhealth na pansamantalang ipagpaliban ang napipintong pagtaas ng kanilang premium sa Hunyo para makahinga sa dagdag gastusin ang mga miyembro na lubhang naapektuhan ng pandemya.


Bagama't pinahihintulutan ang PhilHealth na itaas ang kanilang premium sa ilalim ng Universal Health Care Act, hindi aniya napapanahon para gawin ito.


"It is within the provisions of the Universal Health Care Act to increase, although it may not be advisable at this point in time because we are still reeling from the effects of the pandemic. Baka hindi timely," ani Lacson sa isinagawang presscon sa Cagayan de Oro City nitong Huwebes ng hapon.


"Dapat siguro i-defer na muna at hintayin maka-recover fully o somehow to a degree ang economy," dagdag ni Lacson.


Sa ilalim ng UHC Act, unti-unti ang magiging pagtaas ng premium rate na 0.5 porsyento kada taon. Noong 2021, sinuspinde ang pagtaas nito dahil sa pandemya.


Sa kabila nito, sinabi ni Lacson na marami pang micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa ang hindi pa lubos na nakakabangon mula sa pandemya. Tinatayang 99.5 porsyento ng mga negosyo sa bansa ay binubuo ng MSMEs.


Malaking pasakit aniya ang napipintong pagtaas ng premium para sa mga kababayan natin na nagtatrabaho sa MSMEs at sa mga naghahanap pa lamang ng trabaho.


"Yan ang sinasabi kong untimely," saad ng senador.


*****



0 comments:

Post a Comment

Popular Posts

Recent Posts

The Leaders We Need!

Text Widget

Search This Blog

Powered by Blogger.

Blogger templates

Pages

Blogroll

Blogger news

Weekly post