Thursday, May 5, 2022
- May 05, 2022
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #GringoHonasan #Magtulungan, #Lacson, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments

Mayo 6, 2022 - Di magkamayaw na tao at isang mainit na pagtanggap ang sumalubong kay independent presidential aspirant Sen. Ping Lacson sa kanyang pagbisita sa Maguindanao at Cagayan de Oro City nitong Huwebes.
Taliwas ang nakitang suporta ng senador sa sinasabing zero support sa Mindanao base sa inilabas na resulta ng isang survey firm.
Bilang natatanging presidential candidate na bumisita sa bayan ng Ampatuan, umaapaw ang saya at init ng pagtanggap kay Lacson at sa kanyang senatorial candidates na sina Minguita Padilla at Manny Piñol sa kanilang pagbisita sa Kamasi Multipurpose Hall.
Ipinarating ni Lacson sa kanilang town hall meeting dito ang mensahe ng pag-asa ng kanyang ka-tandem na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III at garantiya ng isang tapat na pamumuno. Binigyang diin din ni Lacson ang kanyang adbokasiya na tapusin na ang kahirapan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang parte ng bansa sa pamamagitan ng pagsasaayos ng gobyerno.
"It's about time na matikman ng ating karaniwang mamamayan... saan mang region, saan mang lalawigan, maramdanan ang biyayang galing sa national government," ani Lacson.
Sa isinagawang town hall meeting, tinanong si Lacson hinggil sa diskriminasyon sa LGBTQ community kung saan sinabi ng presidential aspirant na sa ilalim ng kanyang administrasyon, pantay-pantay na mabebenepisyo ang lahat anuman ang kanilang katayuan sa buhay.
"Ang ating battlecry, napakasimple: Aayusin natin ang gobyerno para maging maayos ang buhay ng bawat Pilipino," diin ni Lacson.
Tinanong din ni Lacson ang mga residente sa Maguindanao kung siya lang ba ang kandidatong bumisita sa kanilang lugar. Sigaw nila: "Wala, kayo lang!"
Samantala, masaya rin ang naging pagtanggap kina Lacson, Sotto, Padilla at Pinol sa Cagayan de Oro City. Mas dumami rin ang tao rito na dumalo sa kanilang mga aktibidad.
Base sa matagumpay na sorties sa iba't ibang parte ng Mindanao tulad ng Cotabato at Davao noong mga nakaraang buwan, ito mas nagpaigting sa paniniwala at pag-asa ni Lacson na hindi siya maze-zero sa rehiyon tulad ng sinasabi ng Pulse Asia.
Hindi rin aniya niya iniintindi ang naturang survey projections dahil para sa kanya, ang tunay na pulso ng tao ay ang mga nakakasalamuha nila sa baba. "Kalmado pa rin ako. There is no substitute to clear conscience, wala tayong ginawang masama, malinis ang ating serbisyo, napakaswerte ng Pilipinas kung kaming dalawa ang manalo."
Itinuring din ni Lacson na "blessing in disguise" ang sinasabing zero preference dahil ito ang mas nagpahikayat sa kanila at sa kanyang taga-suporta na mas pagbutihin pa ang pangangampanya at pag-konekta sa tao.
"Medyo nagagalit at nacha-challenge sila; they are prompted to do more and work harder," ayon sa presidential aspirant. Dagdag pa nito, hindi na niya sineseryoso ang mga resulta ng pre-election surveys dahil ang tunay na survey ay malapit nang mangyari sa May 9.
"This election will expose the accuracies of the survey. We will see kung zero si Sen. Lacson sa Visayas and Mindanao. I know it is impossible," saad ni Sotto.
*****
- May 05, 2022
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #GringoHonasan #Magtulungan, #Lacson, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
- May 05, 2022
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #GringoHonasan #Magtulungan, #Lacson, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
Mayo 6, 2022 - Nanawagan si independent presidential aspirant Sen. Ping Lacson sa Philhealth na pansamantalang ipagpaliban ang napipintong pagtaas ng kanilang premium sa Hunyo para makahinga sa dagdag gastusin ang mga miyembro na lubhang naapektuhan ng pandemya.
Bagama't pinahihintulutan ang PhilHealth na itaas ang kanilang premium sa ilalim ng Universal Health Care Act, hindi aniya napapanahon para gawin ito.
"It is within the provisions of the Universal Health Care Act to increase, although it may not be advisable at this point in time because we are still reeling from the effects of the pandemic. Baka hindi timely," ani Lacson sa isinagawang presscon sa Cagayan de Oro City nitong Huwebes ng hapon.
"Dapat siguro i-defer na muna at hintayin maka-recover fully o somehow to a degree ang economy," dagdag ni Lacson.
Sa ilalim ng UHC Act, unti-unti ang magiging pagtaas ng premium rate na 0.5 porsyento kada taon. Noong 2021, sinuspinde ang pagtaas nito dahil sa pandemya.
Sa kabila nito, sinabi ni Lacson na marami pang micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa bansa ang hindi pa lubos na nakakabangon mula sa pandemya. Tinatayang 99.5 porsyento ng mga negosyo sa bansa ay binubuo ng MSMEs.
Malaking pasakit aniya ang napipintong pagtaas ng premium para sa mga kababayan natin na nagtatrabaho sa MSMEs at sa mga naghahanap pa lamang ng trabaho.
"Yan ang sinasabi kong untimely," saad ng senador.
*****
- May 05, 2022
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #GringoHonasan #Magtulungan, #Lacson, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
- May 05, 2022
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #GringoHonasan #Magtulungan, #Lacson, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
Monday, May 2, 2022
- May 02, 2022
- 3D-ADDICT
- #Eleksyon2022, #GringoHonasan #Magtulungan, #Lacson, #TheVote2022, AFP/PNPPensions&Benefits, Economics, LacsonForPresident, Philippines, Politics, TitoSenforVicePresident
- No comments
MANILA, Philippines — The tandem of Senator Panfilo Lacson and Senate President Vicente Sotto III — who are running for president and vice president, respectively — is banking on its half a million campaign volunteers to secure wins in the May 9 elections.
In a press conference, Lacson and Sotto were asked if they are still confident on getting votes from the silent majority.
Lacson said their campaign volunteers have been to remote areas that some candidates might have not visited.
“As we speak, we have 500,000 volunteers, ‘yung may ID ‘no. So, ‘yun ang kumikilos ngayon, mga looban ‘yung target nila. They don’t concentrate on highways, on major thoroughfares. Ang pinapasok nila talaga mga liblib. Sa tingin namin, ‘yun ang mga bumoboto na hindi nararating ng mga ibang kandidato unless hakutin papunta sa bayan,” he said.
(As we speak, we have 500,000 volunteers, those with IDs. They are mobilizing, targeting the inside of communities. They don’t concentrate on highways, on major thoroughfares. They go to remote areas. We think these are the voters who have not met the other candidates unless they were brought to the towns.)
(We have sincere and selfless volunteers. They go to the deepest corners of the municipalities and the barangays (villages). So, we’re banking on that because these will not be shown in the surveys.)
Earlier, Sotto said their tandem is eyeing to get the votes of the silent majority, including the soft supporters of other candidates and the “thinking” voters, who he said comprises 45 to 50 percent of the electorate.